NUEVA ECIJA Province, the Philippines

Awit ng Nueva Ecija

(Filipino 菲律宾文 Filipino)

Sa ubod nitong luzon ay may lupang hinirang
Sa likas nyang kagandahan ay walang kapantay
Dito ang bukirin na pinag-aawitan
Ng gintong butil ng buhay na pagkain ng tanan

Isang lalawigan ang diwa at damdamin
Pinagtali ng maalab ang dakilang mithiin
Dito ang balana may pusot magiting
Na patnubay ang sagisag ng banal na layunin

Aming nueva ecija ang loob moy tibayan
Sa landas ng wika ng pagbabagong buhay
Aming nueva ecija sa iyong pagsisikap
May gantimpala ka sa pagdating ng oras

Taglayin sa puso ang dakilang aral
Ng mga bayani naghandog ng buhay
Aming nuva ecija hayo nat ikalat
Ang mga silahis ng yong pangarap